Andami ko lang CRUSH eh. Siguro mahigit SAMPU sila. Minsan sumusobra pa. Yung tipong pag nakita ko, CRUSH ko ulet. Tapos pag wala okay lang. Yun bang crush crush nalang para sumaya ang buhay. Sarap eh noh? Yung pagdating ko sa school namin tapos nakapila ako sa sakayan ng elevator tapos magkasunod kami then makakasakay ko siya. Yung tipong ayaw ko nang bumaba kasi ang bango niya. Eh yung magtataon na magkatabi pala yung classroom namin tapos gulat na gulat ako kasi di ko naman siya ni-stalk. Feel ko DESTINED kami then kikiligin ako ng todo. Pwede rin yung makakasabay ko siyang kumain sa cafeteria ng school tapos nagkasalubong kami ng tingin tapos bigla kong iisiping tinitignan niya rin pala ako then nahuli ko lang siya. Mas nakakakilig diba kapag nakasakay ko siya sa jeep tapos katabi ko pa then biglang magpapasakay pa ng marami yung driver tapos magdidikit kami sabay tugtog ng “Ayokong nang pumara kahit san mapunta! Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama, ayoko nang pumara, ayoko nang pumara. Ayoko na-ahhh-ahhh!” (Jeepney Love Story - Yeng Constantino) Feeling ko nasa FAIRY TALE kami. Diba kulang nalang himatayin ako sa kilig? Yung pakiramdam na ayaw ko nang matapos ang araw na yun.
Dahil pag uwi ko.. Paghiga sa kama ko… Marerealize kong…
“ALONE PALA TALAGA AKO.” Yun bang wala na akong magagawa kasi kahit anong pilit kong magpakasaya kasi ang dami kong crush.. Ni isa dun hindi sakin. Sa panaginip ko lang naaangkin.

